Dumalaw na sa burol ng pumanaw na beteranong aktor na si Ronaldo Valdez ang ilan sa cast members ng huling seryeng nagawa nito, ang "2 Good 2 Be True" na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pinangunahan mismo ito nina Kathryn at Daniel, batay sa Instagram post ng talent manager ni Ronaldo na si Jamela Santos.

"Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal," mababasa sa caption ni Jamela.

"Holding on to these people closest to Pepe's ❤️ while I still can ... @tito.ron.valdez."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bukod sa KathNiel, ang ilang cast members na nagbigay-pugay na kay Ronaldo ay sina Gelli De Belen, Bianca De Vera, Alyssa Muhlach, Pamu Pamorada, Franco Laurel, at iba pa.

Ibinahagi rin ni Jamela ang larawan nila ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs.

Naging close sina Kathryn at Ronaldo dahil sa nabanggit na serye.