Isang magnitude 4.3 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng hapon, Disyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:14 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 82 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Ayon din sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Surigao del Sur, niyanig ng 4.7-magnitude na lindol

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang nito lamang 3:16 ng hapon nitong Martes nang yanigin ng magnitude 4.7 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur.