Tila ang mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati umano ang tinutukoy sa isang blind item.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Huwebes, Disyembre 14, ikinuwento ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol umano sa mag-asawang nagkasakitan sa harap ng kanilang mga anak.

“Ilang panahon na po naming nababasa ‘yong kuwento tungkol sa isang mag-asawang nagkasakitan sa harap ng kanilang mga anak. Na diumano ‘yung babae ay tumakbo po sa bahay ng mag-asawang artista na kasama sa village,” saad ni Cristy.

“Hindi naman kapit-bahay, maaaring malayo-layo rin. Pero noong masaktan daw ‘yong babae, black and blue daw dahil binugbog daw ng asawa. Tumakbo doon sa bahay ng mag-asawa. Blind item. Halatang-halata naman na sila ang tinutukoy,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Dapat po siguro ay kailangang maliwanagan po natin ito. Totoo bang nananakit itong si Richard Gutierrez? Totoo ba na kaya umuwi ang mga magulang ni Sarah Lahbati mula sa Switzerland dito sa Pilipinas, humingi ng saklolo ‘yong anak?”

Pero sa kasalukuyan, wala pa ring anomang tugon, pahayag, o reaksiyon sina Sarah at Richard sa mga isyung umaaligid sa kanila simula noong kumalat ang balitang hiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Ang ina lang ni Richard na si Annabelle Rama ang tanging nagbigay ng ilang pahayag hinggil dito.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

MAKI-BALITA:  Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’