“Soup season 🥣⁣”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang malapitang larawan ng planetang Jupiter na nakuhanan umano ng kanilang Juno spacecraft.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na ang Jupiter ay dalawang beses na kasing laki ng lahat ng pinagsama-samang planeta sa solar system.

Inuuri rin nito ang Jupiter bilang isang gas giant na karamihan ay binubuo ng hydrogen at helium.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“Deep in the gas giant’s atmosphere, hydrogen gas compresses into a liquid due to the intense pressure and temperatures,” anang NASA.

“Scientists are still determining whether a central core of solid material lies at the planet’s center or if it’s more like a large, thick, hot soup,” saad pa nito.

Ayon pa sa NASA, nakuha ng kanilang Juno spacecraft ang dalawa sa large rotating storms ng Jupiter noong 2021 sa 38th close pass nito sa naturang gas giant.

Nangyari raw ito habang ang naturang spacecraft ay naglayag ng 3,815 miles (6,140 km) sa itaas ng ammonium at water clouds nito.