Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Disyembre 15, na 55.57% o 2,155 sa 3,878 examinees ang pumasa sa December 2023 Radiologic Technologists Licensure Examination, habang 28.51% o 67 sa 235 examinees naman ang pasado sa X-Ray Technologists Licensure Exam.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala bilang topnotcher ng Radiologic Technologists Licensure Exam si Sophia Vien dela Cruz Pereda mula sa Angeles Unviersity Foundation matapos silang makakuha ng 91.40% score.

Hinirang naman ang Holy Angel University bilang top performing school matapos umano itong makakuha ng 95.45% overall passing rate.

Samantala, kinilala bilang topnotcher ng X-Ray Technologists Licensure Exam si Prince Louise Aplicador mula sa Wesleyan University-Philippines-Cabanatuan City matapos siyang magkaroon ng score na 86%.

National

PBBM at ex-VP Leni, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

Wala naman umanong hinirang na top performing school sa nasabing exam.

Isinagawa umano ang mga pagsusulit mula Disyembre 11 hanggang 12, 2023 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.