Shinare ni Kamilya star Kathryn Bernardo ang “little things” na nakapagbigay raw sa kaniya ng ngiti noong mga nakaraang linggo.

Makikita sa Instagram post ni Kathryn ang mga larawan kung saan tila ine-enjoy niya ang ganda ng environment, tulad ng sunset at beach, pati na rin ang company ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks...🤍,” ani Kathryn sa naturang post.

“No looking back, only moving forward🌈,” dagdag pa niya.

Kathryn, Daniel, hiwalay na

Matatandaang noong Nobyembre 30, 2023, nang i-announce ni Kathryn na nagwakas na ang 11 long years na love story nila ni Daniel Padilla.

Samantala, kasabay ng muling pagbabalik ng taunang ABS-CBN Christmas Special 2023 nito lamang Miyerkules, Disyembre 13, ay nagkaroon ng first public appearance together ang KathNiel matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan.

https://balita.net.ph/2023/12/14/kathniel-nagkabalikan-sa-abs-cbn-christmas-special-2023/