CAGAYAN DE ORO CITY - Planong maisama sa health package ang pagsusuri para sa human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Paliwanag ni PhilHealth Northern Mindanao information officer Merlyn Ybañez, pinag-aaralan pa ng mga opisyal ng PhilHealth at Department of Health (DOH) ang usapin.

"This is going to be part of the 'enhanced Konsulta program,' there is no (order for implementation) yet but it's already in the discussion (between PhilHealth and DOH)," ani Ybañez.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa kasalukuyang Konsulta program ng PhilHealth, makakakuha ng libreng laboratory testing at doctor consultation ang mga miyembro nito mula sa mga accredited hospital at clinic.

Sa pinalawak na programa, isasama ang HIV testing at referral system para sa treatment options na pangangasiwaan ng DOH.

Sa datos ng DOH, ika-9 ang Northern Mindanao sa nakapagtala ng mataas na kaso ng HIV sa bansa.

Nasa 5,100 ang naitalang nahawaan ng HIV noong 2022 o tatlong porsyento lamang ng 164,400 kabuuang kaso ng sakit sa Region 10.

PNA