Dalawang pinaghihinalaang carnapper ang natimbog ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Sto. Tomas City, Batangas kamakailan.
Nakakulong na sa Sto. Tomas City Police Station ang dalawang suspek na sina Roberto Baliguat, 28, at Leonardo Dayo, 35.
Sa ulat ng pulisya, hindi na nakapalag ng dalawang suspek makaraang dakpin sa harap ng kanilang bahay sa Mercedes Homes Subd., Barangay San Isidro Norte, Sto. Tomas City, Batangas nitong Disyembre 8 ng madaling araw.
Probinsya
Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito
Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng dalawang biktimang sina Ryan Ballesteros at Catherine Rose Colo, ayon kay Regional Highway Patrol Unit 4A (RHPU4A) regional director, Col. Rommel Estolano.
Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang dalawang sasakyan, kabilang ang isang Nissan Urvan VAA-3574 at isang Toyota Hi-Ace NDX-3642, dalawang .9mm caliber Taurus pistol, isang .45 caliber Armscor, 79 na bala, isang cellular phone, dalawang susi ng sasakyan, 28 paris ng plaka ng sasakyan at 10 pekeng Certificate of Registration (COR) ng iba't ibang sasakyan.
Idinagdag pa ng pulisya na kapwa umanong notoryus na carnapper ang dalawang suspek na sangkot din umano sa rent-a-car modus operandi scam.
Nahaharap ng kasong grave threats, illegal possession of firearms, carnapping, at falsification of official documents ang mga suspek.