Aprub daw na maging son-in-law ni Megastar Sharon Cuneta si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards.

Sa latest episode ng Marites University nitong Martes, Disyembre 5, ibinahagi ni showbiz insider Rose Garcia ang sinabi ni Sharon tungkol kay Alden sa media conference ng pelikula nilang “Family of Two (A Mother and Son Story)”

Ayon kay Rose, nakikita umano ni Sharon kay Alden ang mga qualities ng isang son-of-law.

“Kasi talaga daw kung si Alden ang magiging son-of-law ng kahit na sinong ina ay talagang iba. Walang magiging problema,” ani Rose.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“‘Talaga nga namang ipagmamalaki mo’, sabi niya. Unang-una masipag, responsable. Ay, kung ano-ano pang mga katangiang sinabi niya,” saad pa niya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “At ang nakakatawa lang kay Mega [Sharon], sabi niya, ‘naku, may kaniya-kaniya na lang buhay ang mga anak ko, sa totoo lang, kahit kay Miguel’. Tawanan tuloy ang lahat. Pero I’m sure joke lang ‘yun ni Mega.”

Matatandaan na ang nasabing pelikula nina Sharon at Alden ay kasama sa mga pelikulang itatampok sa Metro Manila Film Festival 2023.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na