Isang magnitude 5.7 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Disyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang naturang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:38 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity II sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Nito lamang ding Lunes ng madaling araw, niyanig din ang Cagwait, Surigao del Sur ng magnitude 6.8 na lindol.