Nakapagtala pa ng 42 pagyanig ang Bulkang Taal sa nakaraang 24 oras.

Sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang pagyanig na tumagal ng 12 minuto ay bahagi lamang ng pag-aalburoto ng bulkan.

Naitala rin ng Phivolcs ang ibinugang 7,453 toneladang sulfur dioxide nitong Nobyembre 30.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nagkaroon din ng biglaang pagtaas ng volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Umabot din sa 900 metrong taas ang pinakawalang puting usok ng bulkan na tinangay ng hangin pa-timog kanluran.

Muling binalaan ng Phivolcs ang publiko na bawal pa ring lumapit at pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa Taal Lake.