Umabot na sa mahigit 1.4 milyon ang dumagsang turista sa Boracay Island ngayong taon.

Sa datos na Malay Municipal Tourism Office nitong Nobyembre 7, aabot na sa 1,433,024 ang bumisita na turista sa isla hanggang nitong nakaraang buwan. 

Sa naturang bilang, 357,066 ang foreign tourists at 35,668 ang overseas Filipinos na nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.

Tourism

Direct flights mula 'Pinas patungong Paris, posible na sa Disyembre!

Kumpiyansa naman si Malay Municipal Tourism Officer Felix Gregorio Delos Santos na papalo sa dalawang milyon ang dadagsang turista sa Boracay ngayong taon.

Nitong Nobyembre, nasa 149,625 ang pumasok na turista sa Boracay Island. 

Paliwanag ng Boracay Tourism Office sa Malay, Aklan nitong Sabado, kasama sa bilang ang 119,993 domestic, 1,650 overseas Filipino workers (OFW) at overseas Filipinos (OFs) at 27,982.