Patuloy pa ring inuulan ng batikos ang mga Instagram post ni Andrea Brillantes matapos ang kumpirmasyon ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Matatandaang binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang katahimikan hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will cherish forever. I will always be grateful for you,” ani Kathryn kay Daniel sa kaniyang Instagram post.

Maki-Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Bal, ang pagmamahal ko sa’yo ay walang hanggan at walang katapusan,” mensahe naman ni Daniel kay Kathryn sa kaniyang post.

Maki-Balita: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Matatandaan ding nali-link si Andrea kay Daniel matapos itsika ni Ogie Diaz ang bulong sa kaniya ng source na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea, na ikinaselos daw ni Kathryn.

Maugong naman ang tsikang hiwalay na raw ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

So ito nga, sa bawat Instagram post ni Andrea, patuloy ang mga komento ng netizens.

“Kapal ng make up kapal pa ng face”

“Spell KABIT”

“Bata mo pa nang aagaw kana nko dai”

“Ikaw ang sumira ng pasko namin letche ka”

“Punyetang to”

“Kung totoo ang rumors na hiwalay na ang Kathniels so it mean's! Totoo din na itong babaeng to ang dahilan?”

“Alam mo naman may gf Yung tao eh dapat di mo na dapat nilapitan”

“batang bata pa nakaka ilang lalaki na. manifesting for your downfall”

“iKABIT na ang parol”

“eto yung mga inaalagaan nyong artist? ewww bagay na name dyan andrea brillandi”

“Lamang kalang sa dibdib mo yan lang wala na maganda nga pero ang personality napaka pangit, baguhin muna ugali mo”

“Kaya ka niloloko, kasi NANLOLOKO ka din . Godbless!”

“D mo ko basher idol nga kita kaso d ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo.lamang ka naman sa kapal ng mukha galingan mo na lng”

Habang isinusulat ito, wala pa ring inilalabas na pahayag si Andrea tungkol sa mga issue sa kaniya.