Pinuri ni TV host Boy Abunda si Kathryn Bernardo dahil sa paraan ng pagkumpirma ng aktres na hiwalay na sila ng kaniyang long-time boyfriend na si Daniel Padilla.

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30, nang maglabas ng statement si Kathryn sa kaniyang Instagram account na nagsasabing natuldukan na nga ang 11 long years ng pagsasama nila ni Daniel.

Kaugnay nito, nireveal ni Tito Boy sa kaniyang video message na matapos daw niyang basahin ang statement ni Kathryn ay napatunayan niyang “class is not dead.”

Kathryn, Daniel, hiwalay na

“Just finished her statement again, at ang paulit-ulit na sinasabi ng aking isipan ay: Class is not dead in show business. What a decent girl Kathryn Bernardo is. Napakadisente. At a time when vicious ranting is common place, she chose to be cautious, respectful, circumspect,” pagbibigay-diin ni Tito Boy.

“Kathryn deserves love and respect. With this breakup, Kathryn Bernardo has proven that a proper ending is possible. No matter the pain. Bravo, Kathryn,” pagpuri pa niya sa aktres.

Samantala, in-express din ng King of Talk ang kaniyang pagkalungkot sa hiwalayan ng KathNiel, at inaming inakala pa raw niyang maaayos pa ng long-time couple ang mga dapat ayusin sa kanilang relationship.

Sa kabila nito, nire-respeto daw niya ang naging desisyon ng dalawa na maghiwalay.

“I was wrong. Mali ako. I thought they would be able to fix what needed to be fixed,” ani Tito Boy.

“I can imagine the pain, the excruciating pain, they have to bear now, si Kathryn, si Daniel, ang KathNiel at ang mga fan, and I honor this pain. Umiiyak ako para kay Kathniel as a fan and friend. Katulad ng marami, I respect the decision to part ways knowing that they tried to save this love story with respect but one that sadly ended with respect, to paraphrase Kathryn,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang ilang mga kapwa-celebrity rin ang nakisimpatya kina Kathryn at Daniel matapos nilang kumpirmahin ang kanilang breakup.

https://balita.net.ph/2023/11/30/celebrities-nakisimpatya-kina-kathryn-daniel/