“Get get, aw!”

Nawindang na naman ang mga fans nang magsama-sama ulit ang OG sexbomb girls.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isang Facebook post ni Sunshine Garcia, in-upload niya ang isang group picture kung saan makikita ang ilang mga miyembro.

“Get together ng mga OG,” saad niya sa caption.

Syempre, hindi rin nagpahuli, nag-post din ang tumayong leader ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan.

Nag-upload siya ng isang video ng kanilang ganap.

“Ang saya lang makita at makasama kayong muli. Dati sabay kumain,maligo at matulog. Ngayon may kanya kanya ng buhay. Sarap ng kwentuhan at tawanan kagabi. Ulitin natin to1” sey ni Rochelle sa caption.

Hindi tuloy naiwasan ng mga fans na balikan ang kanilang childhood memories!

"OMG ito ang dahilan bakit naging spilitera ako. grabe lahat DAISY SIETE na palabas hindi ko makakalimutan. lahat ng kwento ng buhay kapupulutan ng aral"

"SILA TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAG PRACTICE AKONG MAG SPLIT AT MAG BENDING NOON"

"Ito talaga favourite nung kabataan panuorin tuwing tanghali daisy shete"

"Kayo ang inspirasyon sa pagsasayaw ng napakadaming kabataan noon hanggang ngaun at ksma nako don get get awww"

"Kaya ako palaban sa buhay ng dahil sa inyo. Salamat quezon city!"

"Hindi kumpleto ang childhood mo pag di mo sinayaw ang lahat ng kanta ng SEXBOMB GIRLS. Sila ang dahilan baket natalo ko sa spaghetti showdown un mga classmate ko nun elem hahahahahaha"