Tila biglang nagbago ang desisyon ni “Queen of All Media” Kris Aquino kaugnay sa kaniyang pagbabalik-telebisyon.

Sa latest episode ng Marites University nitong Miyerkules, Nobyembre 29, itsinika ni Rose Garcia ang napag-usapan nila ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda nang minsan silang magkita.

Bukod sa hiwalayan nina Kris at Vice Governor Mark Leviste, may isa pa umanong ikinagulat si Abunda sa sinabi ni Kris.

Matatandaan kasing binanggit ni Abunda sa kaniyang programang “Fast Talk with Abunda” na binisita umano niya si Kris sa US noong Oktubre.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

At ayon sa kaniya, niyaya niya raw si Kris na gumawa ng show sa oras na gumaling na ito mula sa sakit.

MAKI-BALITA: Boy Abunda, inaya si Kris Aquino gumawa ng show ‘pag magaling na

“Pero dito siya nagulat, sa sagot ni Kris. Usually, ‘pag ganiyan, makikita mo ‘yung excitement. Ngayon daw ang sagot ni Kris sa kaniya: ‘Di na, Kuya Boy. Gusto ko na lang gumaling’,” kuwento ni Rose.

Binanggit din ni Rose na ayon kay Abunda, iba raw talaga ang pinagdadaanan ni Kris in terms of her treatment.

Sa kasalukuyan, wala pa namang kumpirmasyon o anomang pahayag si Kris hinggil dito.