Usap-usapan ang Instagram stories nina Sarah Lahbati at Raymond Gutierrez na nagkasama sa isang event ng isang luxury perfume sa isang mall sa Makati kamakailan.

Ibinahagi ni Sarah sa kaniyang IG story ang larawan nila ni Mond, kapatid ng mister niyang si Richard Gutierrez.

Pero hindi sila as in magkatabi dahil nakapagitan sa kanila si beauty queen-actress Kylie Verzosa.

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG) via Fashion Pulis

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ngunit ang inintriga ng mga marites ay ang IG story at post naman ni Mond kung saan tanging photo lang nila ni Kylie ang flinex niya.

Photo courtesy: Screenshot from Raymond Gutierrez (IG)

View this post on Instagram

A post shared by Mond Gutierrez (@mond)

Mas flinex pa nga niya ang kaibigang si "Batang Quiapo" star Lovi Poe sa endorsement nito ng Belo products.

Kaya tanong ng mga netizen, sinadya bang hindi i-flex ni Mond ang larawang magkasama sila sa iisang frame ng bayaw?

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay nakaabang ang mga netizen sa kumpirmasyon kung talaga bang totoo at may batayan ang tsikang hiwalay na sina Sarah at Richard.

Pinag-usapin din ang pagpapalit ni Sarah ng pangalan sa IG na sa halip na naka-spell out ang "Gutierrez" ay ginawa na lamang niya itong initials.