Tila hindi raw sinusuportahan ng komedyanteng si Dennis Padilla ang pinansiyal na pangangailangan ng kaniyang anak na si Leon Barretto para sa pag-aaral nito.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Nobyembre 20, napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena si Leon na kamakailan lang ay flinex ng ina dahil kabilang sa President’s List at Dean’s List.

Kasalukuyang nag-aaral si Leon ng marketing communication sa University of Asia and the Pacific o UA&P.

Dahil dito, hindi tuloy naiwasang magtanong ni Ate Mrena: “Mahal doon (UA&P), Kuya. Sinong nagpapaaral sa kaniya?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Mahal nga, mahal nga ang tuition fee doon. I’m sure si—may pera naman ‘yun—saka si Julia siguro,” sagot naman ni Ogie.

Segunda naman ni Mama Loi: “Baka tulong-tulong sila, Nay, ‘no?”

“Oo,” sey ni Ogie saka binanggit ang isang komentong nabasa niya umano sa “Fashion Pulis”.

Ayon sa komento, si Julia raw talaga ang nagpapaaral kay Leon at wala umanong ambag si Dennis.

“Tapos kung makapaghabol akala mo ulirang ama,” saad pa ng nagkomento.

Dumepensa naman si Ogie para sa komedyante at sinabing “wala” rin naman umano si Dennis. Saka may iba rin namang anak itong sinusuportahan.

Hanggang ngayon, ‘di pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ni Dennis at ng kaniyang mga anak kay Marjorie Barretto. Hindi tuloy napigilang maaawa ni Ogie kay Dennis kamakailan dahil tila itinatakwil na siya ng mga ito.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, itinakwil na ng mga anak?