Nagmula sa University of the Philippines – Diliman (UPD) ang sampung nakakuha ng pinakamataas na scores sa isinagawang November 2023 computer-based Geologists Licensure Examination (GLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sa inilabas na resulta ng PRC nitong Miyerkules, Nobyembre 15, naging topnotcher ang UPD graduate na si Jerome Garcia Formaran matapos siyang makakuha ng 84.70% score.

Sinundan naman siya ng kapwa UPD graduate na si Paulo Lim Realengo na may 83.80% score, habang pumangatlo si Twinkle Caubalejo Kang na nakakuha naman ng 83% score.

Narito ang listahan ng top 10 sa November 2023 GLE, ayon sa PRC:

National

Ex-Pres. Duterte, handa raw dumalo sa pagdinig hinggil sa drug war: ‘Hindi ako aatras!’

Courtesy: PRC/website

Samantala, inihayag din ng Komisyon na sa kabuuang 351 examinees, 165 ang nakapasa sa naturang pagsusulit.

Isinagawa umano ang November 2023 computer-based GLE sa Metro Manila.