Tumindi pa ang pagbuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ng Phivolcs, nasa 11,695 tonelada ng volcanic sulfur dioxide ang naobserbahang lumabas sa Taal Main Crater nitong Nobyembre 15.

Nalalanghap ang masamang amoy ng asupre sa Barangay Banyaga, Agoncillo

Bukod dito, naitala rin ng Phivolc ang 86 pagyanig sa palibot ng bulkan sa nakaraang 24 oras.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, walang namataang volcanic smog o vog sa ibabaw ng Taal Caldera.

Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan.

Ipinagbabawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at sa Daang Kastila fissure dahil sa nakaambang phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at pagbuga ng asupre.