Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga residenteng na-trap sa baha na dulot ng malakas na pag-ulan sa dalawang barangay sa Davao City nitong Miyerkules.

Paliwanag ng Coast Guard Station Davao, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa emergency response center kaugnay ng malawakang pagbaha sa Barangay Galera at Bago Aplaya kung saan naapektuhan ang libu-libong pamilya.

Kaagad na ipinakalat sa lugar ang 28 na tauhan ng PCG upang magsagawa ng rescue operation.

Hindi na binanggit ng PCG ang bilang ng mga pamilyang nasagip sa pagbaha. Gayunman, sinabi ng PCG na nasa maayos na kalagayan ang mga inilikas na residente.
Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki