Hot topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y pinagkaguluhang maselang video ng Kapamilya actor at "FPJ's Batang Quiapo" star na si McCoy De Leon na kumalat sa iba't ibang social media platforms.

Sa nabanggit na maselang video ay nagpakita ng private part at butas ng wetpaks ang lalaking kinilalang si McCoy daw.

Ngunit ayon kay Ogie, hindi si McCoy ang nasa video kundi inilagay lamang ang mukha niya sa katawan ng lalaking isang Thai o mamamayan mula sa bansang Thailand.

Naging posible umano ito sa paggamit ng "Artificial Intelligence" o AI, kagaya ng ginawa sa "Magpasikat 2023" performance ng team nina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta sa "It's Showtime."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kawawa naman daw si McCoy matapos mabiktima ng masamang gamit ng AI. Mula mismo sa bibig ni Ogie ang paglilinaw na hindi si McCoy ang lalaki sa nabanggit na sensitibong video.

Pero in fairness daw ay talagang kabilib-bilib ang paggamit ng AI ngayon dahil posibleng mabuhay ang matagal nang patay, at puwedeng gawan ng eskandalo ang isang tao, gamit lamang ang mukha nito at katawan ng iba.

"Hindi po 'yon si McCoy," paglilinaw ni Ogie.

"Nakakatakot 'yon, baka pati tayo, gawin kami," sundot pa ng showbiz columnist-talent manager.