Ibinahagi ni “Black Rider” star Ruru Madrid kung paano siya pinatino ng jowang si Bianca Umali nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Nobyembre 6.

Naitanong kasi ni Boy kung paano hina-handle ni Ruru ang kaniyang kasikatan. 

Sabi ni Ruru, bukod umano sa pananampalataya niya, nabanggit din niya si Bianca na nakita umano ang struggle niya lalo na noong panahon na parang wala na siyang mararating.

Hindi tuloy naiwasang maitanong ni Boy kung paano siya pinatino ni Bianca.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Siguro masasabi ko na nahanap ko ‘yung taong katapat ko. Totoo nga talaga ‘yun. Akala ko po dati hindi totoo ‘yun…Siguro noong bata ako, iniisip ko, gusto ko pong magkaanak pero parang  hindi ko kayang mag-settle with a girl na siya lang habambuhay,” saad ni Ruru.

“Pero noong dumating siya sa buhay ko, I don’t know for some reason, parang nakaramdam po ako ng spark. At sinabi ko na ito na ‘yung gusto kong makasama habambuhay,” dagdag pa niya.

Pag-amin ni Ruru, hindi umano niya iyon naisip noong una. Pero ngayon, proud siyang ipagmalaki ang nararamdamang iyon para kay Bianca. 

Hindi tuloy napigilan ni Ruru na maging emosyunal noong oras na ‘yun.

“Why the tears?” tanong ni Boy.

“Hindi ko po in-expect na mararating ko kung nasaan ako ngayon,” sagot ni Ruru.

Kasalukuyan nang umeere ang teleseryeng “Black Rider” kung saan siya bumibida bilang “Elias Guerrero”. Katapat niyang muli sa timeslot ang “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin

Matatandaang una nang nakatapat ni Ruru si Coco noong gumaganap pa itong “Cardo Dalisay” sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at siya bilang titular character ng teleseryeng “Lolong”.

MAKI-BALITA: #LolongDaks, sinakmal nga ba si Cardo Dalisay? Ruru, napa-react