Isiniwalat ni showbiz columnist Ogie Diaz ang isa sa mga napag-usapan nila ng TV host, actor, at dating Quezon City councilor na si Roderick Paulate sa panayam niya rito kamakailan.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Nobyembre 6, nabanggit ni Ogie na marami umanong nagtatanong kay Roderick kung bakit daw kasama ito sa pelikulang “In His Mother’s Eye” samantalang nakakulong umano ito.

Matatandaan kasing noong Enero, pinagtibay ng korte ang hatol na pagkakakulong laban kay Roderick dahil umano sa “ghost” employees.

MAKI-BALITA: Dahil sa ‘ghost’ employees: Hatol na pagkakakulong vs ex-Councilor Roderick Paulate, pinagtibay ng korte

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero paglilinaw ni Roderick, hindi umano siya nakulong. 

“Okay, totoo ‘yun. ‘Yung lumabas sa news. Pero hindi naman sinasabi ng news kung ano ‘yung mga legal procedure na mangyayari,” paliwanag niya. 

Dagdag pa niya: “Bakit ganoon? Noong negatibo, ang laki-laki ng balita. Pinagpiyestahan ako. Pero bakit noong in-acquit ako at dinismiss ang kaso ng Court of Appeals, bakit hindi n’yo rin pinagpiyestahan at hindi kayo nag-hallelujah?”

Sa kasalukuyan, bagama’t na-dismiss na umano ang kaso ni Roderick, patuloy pa rin daw na lumalaban ang kabilang panig.