Matapos tamaan ang ₱102 milyong jackpot prize noong Sabado, may tyansa pa rin ang mga manananaya sa lotto na maging instant milyonaryo dahil may nag-aabang na mahigit ₱100 milyong jackpot prize sa dalawang lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱104 milyon ang premyo ng Mega Lotto 6/45 habang nasa ₱100 milyon naman ang Grand Lotto 6/55.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mga naturang lotto game ay nakatakdang bolahin ngayong Lunes, Nobyembre 6, dakong alas-9 ng gabi.

May be an image of text that says 'JACKPOT ESTIMATES MONDAY, NOVEMBER 6. 2023 MEGALOTTO 6/45 NATIONALLOTTERY NATIONA PHP 104 MILLION GRAND LOTTO 685 PHP 100 MILLION S 18+'

Samantala, napanalunan ng taga-Nueva Vizcaya ang ₱102,254,379.40 jackpot prize ng Lotto 6/42, ayon sa PCSO nitong Linggo.

Maki-Balita: ₱102M jackpot sa lotto, napanalunan ng taga-Nueva Vizcaya — PCSO