Muling sumalang sa “Toni Talks” ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga nitong Linggo, Nobyembre 5. 

Sa kauna-unahang pagkakataon, binanggit ni Alex sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga ang tungkol sa ikalawa niyang miscarriage noong Oktubre.

Kamakailan lang ay napuna ng ilang netizen na tila buntis si Alex sa isang video na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account habang sumasayaw.

MAKI-BALITA: Netizen, may napuna kay Alex Gonzaga: ‘Buntis yata?’

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ayon kay Alex, gaya ng dati, nanalangin umano ulit siya sa Diyos na sana ay ibigay na sa kaniya ang pagkakataong maging ina noong panahong iyon dahil alam niyang may magandang rason kung bakit siya muling nagbuntis.

 “Tapos ‘yung minsan natatakot ka nang gumising sa umaga kasi parang shocks anong magiging result?” kuwento ni Alex.

Hanggang sa dumating nga ang punto na tila hindi na umano maganda ang nangyayari dahil gumagamit na ng mga medical jargon ang mga doktor tuwing magpapaliwanag ang mga ito tungkol sa kalagayan ng kaniyang pagbubuntis.

Sinabihan naman umano siya ng doktor na maghintay muna ng isa pang linggo dahil baka mabagal lang umano ang development ng kaniyang pagbubuntis. 

Pero noong bago ang araw ng kaniyang final check up, tila kinausap daw siya ng Diyos.

"Noong naliligo ako parang bigla lang akong kinausap ni Lord na parang, 'Why are you in a rush to be pregnant? Why?'" saad ni Alex.

Dagdag pa niya: “Ta's naiyak ako, kasi parang naisip ko, 'Oo nga ‘no, bat ba ako in a rush, bakit hinihingi ko kay Lord is 'Lord sana bukas pregnant na ako, sana talagang matuloy na 'tong pregnancy ko.'

Sa paliwanag ni Alex, ang nakikita niya umanong dahilan kung bakit siya nagmamadaling mabuntis ay dahil umano sa nararamdamang pressure sa ginagalawan niyang paligid.

"Ikaw kasi lahat sinasabi, 'si Alex na 'yung susunod’. Alam mo 'yung baby shower ko? 'Alex, ikaw na’. Ta's lahat ng video mo, 'Pregnant na si Alex, hindi lang niya sinasabi’," sabi pa ni Toni.

Matatandaang noong 2021, nakunan din si Alex. Pero sa pagkakataong ito, inamin niya na sumailalim siya sa in-vitro fertilization (IVF), isang proseso ng pagbubuntis na pinagsasama ang itlog ng babae at semilya ng lalaki sa laboratoryo sa halip na sa loob ng katawan.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis