Avisala, Mitena!

Unti-unti na ngang ipinakikilala ang mga bumubuo ng fantasy-magical series ng GMA Network na “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ipinakilala na nitong Biyernes ang bagong kontrabida sa naturang serye na walang iba kundi si Rhian Ramos na gaganap bilang Mitena— ang kakambal ni Cassiopeia.

Matatandaang si Cassiopeia, na ginampanan ni Solenn Heussaff noong Encantadia 2016, ang unang reyna ng Lireo.

Si Mitena naman ay isang “Ice Queen” na magdadala ng kalupitan sa mundo ng Encantadia.

Sa panayam ni Rhian kay Nelson Canlas, ibinahagi niya ang ilan sa mga detalye ng kaniyang karakter.

“Isa siyang Ice Queen so I believe that it has something to do with that. Pero may mga makukuha din kasi akong kapangyarihan along the way so madadagdagan nang madadagdagan,” anang aktres.

“Hindi lang kapatid but I am her twin, sabay kaming isinilang sa mundo ng ‘Encantadia.’ Kung iniisip niyo na encantadia lang ang nag-iisang world, marami pang mga iba't ibang area. Ang magiging area ko, or lugar ko, is ang ang Mineave, which is North,” dagdag pa niya.

Bukod kay Rhian, una nang ipinakilala sa publiko ang mga bagong  Sang’gre na sina Bianca Umali (Terra), Faith Da Silva (Flamarra), Kelvin Miranda (Adamus), at Angel Guardian (Deia).

Maki-Balita: ‘Avisala, Terra!’ Bianca Umali, pasok bilang bagong sang’gre

Maki-Balita: Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante!