Makahulugan umano ang Instagram story ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes hinggil sa "karma."

Flinex niya kasi ang screenshot niya sa isang social media post mula kay American rapper, singer, at songwriter na si Shaquille Pinckney noong Marso na mababasa ang isang quote na "I don't wish bad on anyone, but you reap what you sow in life. You don't treat people bad and expect to live a good life."

Sa text caption niya rito, sinabi ni Blythe na bored siya kaya inedit niya ito para mas maging aesthetic o maganda.

No description available.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kaya sa isa pang Instagram story ay flinex ng aktres ang "aesthetic version" niya subalit kapansin-pansing dinagdagan niya ito.

Sa gitna, mababasa ang salitang "karma." May background song pa ito ni Taylor Swift na ganoon din ang pamagat.

No description available.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Bagama't wala namang tinutukoy kung para kanino o sino ang pinatutungkulan, matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang muling pagkakaungkat sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero, nang mag-"hard launch" na siya sa relasyon nila ng konsehala at beauty queen na si Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Andrea, patama kina Ricci, Leren?

Pati ang bestfriend ni Blythe na si Bea Borres ay nadawit na rin sa isyu matapos umano itong mag-X post na pinalagan naman ni Ricci.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

Ayon sa latest tsika ay kumonsulta raw si Bea sa isang abogado upang alamin kung puwede siyang magsampa ng kaso laban sa basketball player dahil sa malisyoso raw na X post nito, bilang tugon sa kaniyang cryptic X post.

MAKI-BALITA: Bea Borres, sasampahan ng kaso si Ricci Rivero?

Binasag na tuloy ni Ricci ang kaniyang katahimikan at nagbigay ng pahayag tungkol sa kanilang naging hiwalayan ni Andrea sa pamamagitan ni DJ Jhai Ho, na mapapanood naman sa Marites University.

MAKI-BALITA: Isyu tungkol sa ‘laundry’ paninira lang, palag ni Ricci kay Andrea