“Watching Friends will never be the same. 🥺”

Ito ang pahayag ni Maine Mendoza matapos malaman ang malungkot na balitang pumanaw na ang Hollywood actor at “Friends” star na si Matthew Perry.

Ayon sa ulat ng TMZ, natagpuan umanong wala nang buhay si Matthew sa isang Los Angeles-area home nitong Sabado, Oktubre 28 (Linggo, Oktubre 29, PST).

Internasyonal

'Friends' star Matthew Perry, pumanaw na

“What a sad news to wake up to,” saad naman ni Maine sa kaniyang X post nitong Linggo.

“Rest easy, Matthew. Watching Friends will never be the same 🥺,” saad pa ng aktres.

Si Matthew ang gumanap sa karakter ni Chandler Bing sa nasabing hit TV series na “Friends” na mayroong 10 seasons at umere umano mula 1994 hanggang 2004.