Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Samar nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:05 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng San Jose De Buan, Samar, na may lalim na 28 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Can-Avid, Eastern Samar; Lope de Vega, Northern Samar.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - City of Catbalogan, Samar 

Intensity II - Rosario, Northern Samar; Can-Avid, Eastern Samar

Intensity I - Quinapondan, Eastern Samar; Kawayan, Biliran; Villareal, Samar

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.