Tampok ang “Pinoy Big Brother” housemate na si KD Estrada sa latest vlog ni ABS-CBN broadcast-journalist Karen Davila nitong Huwebes, Oktubre 26.

Bukod sa kaniyang kasalukuyang passion sa pagluluto, napag-usapan din ang iba pa niyang ginagawa gaya ng pag-arte at pagkanta.

“I love the fact that I get to perform for people. I love the fact na expression din ang performance and acting–also singing. And ito [music] ‘yung naging expression ko. This is how I express myself whether I’m sad or happy. Ito po ‘yung translation niya,” ani KD sabay sampol ng pagkanta na hinangaan naman ni Karen.

“You have such a beautiful voice,” puri ng broadcast-journalist.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

13 years old umano si KD nang magsimula siyang mag-aral tumugtog ng gitara. 16 naman noong magsimula siyang kumanta. 

“Bakit ka nagsimulang maggitara?” usisa ni Karen.

Sagot ni KD: “Laging natatawa ‘yung mga tao ‘pag sinasabi ko ‘yung reason. I wanted to impress girls.”

“Well, it’s working,” saad pa ni Karen.

Tila totoo naman nga dahil kung matatandaan, bumuo si KD kamakailan ng isang kanta na inspired umano sa kaniyang ka-love team na si Alexa Ilacad.

MAKI-BALITA: Bagong kanta ni KD Estrada, inspired kay Alexa Ilacad: ‘No one else but you’