Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng madaling araw, Oktubre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:12 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 383 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 418 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Kiko Pangilinan, nanawagang imbestigahan ang ticket scalping sa bansa

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.