Aguilar, Pangasinan — Patay ang isang kandidato sa pagka-kapitan matapos barilin sa ulo sa Barangay Bayaoas dito, nitong Linggo, Oktubre 22.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arneil Flormata, 41, kandidato sa pagka-kapitan ng Barangay Bayaoas at administrative supervisor sa isang solar services company.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa imbestigasyon, dumalo lang si Flormata sa isang campaign sortie at papababa sa kanyang sasakyan, lumitaw ang isang ‘di pa nakikilalang lalaki at binaril siya sa ulo.

Tumakas ang gunman at kasabwat nito sakay ng tricycle.

Isinugod si Flormata sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Nagsasagawa na ang mga pulis ng dragnet at checkpoint operations para mahuli ang mga suspek at ang mga surveillance footage ay sinusuri na rin upang makilala ang mga ito.