Naloka ang audience nang kantahin ng Danish pop singer Lukas Graham ang awiting "Ere" ng Pinoy singer-actor na si JK Labajo, nang maging special guest ito sa concert ng una sa New Frontier Theater nitong Linggo ng gabi, Oktubre 22.

Matatandaang inanyayahan ni Graham si Labajo na maki-jamming sa kaniya sa concert, nang magkomento ang "Ere" artist sa kaniyang post patungkol sa kaniyang "Lukas Graham Live in Manila."

MAKI-BALITA: JK Labajo, inimbitahang mag-perform ni Lukas Graham

Ang Ere ay record-breaking dahil ito ay kauna-unahang OPM na pumasok sa global hit chart ng Spotify.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

MAKI-BALITA: ‘Ere’ ni JK Labajo, unang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify

May mura ang lyrics nito kaya naman tawang-tawa ang mga manonood sa malutong na murang sinambit ni Graham.

Anyway, kinanta naman ni Graham ang kaniyang mga pinasikat na awitin gaya ng "Happy Home" at iba pa.