Grabe ang "body shamers" ng Kapamilya actor na si JM De Guzman na imbes na galing niya sa pag-arte ang napansin, eh katawan niya ang pinagdiskitahan!

Ibinahagi kasi ni JM sa kaniyang Instagram post ang ilang netizens na nagkomentong tila tumaba na raw siya.

May isa pang nagsabing tila hiyang siya sa alaga ni Donnalyn Bartolome, na kamakailan lang, inamin niyang nililigawan niya.

Caption ni JM sa post niya, "……… masakit kayo magsalita. :)"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Todo-tanggol at resbak naman para sa kaniya ang ilang mga kasamahan sa showbiz.

Sey ng award-winning actor na si John Arcilla, "Whew. Ibang klase. How can people be so mean. Kala nila nasa sarili lang nila silang mga kwarto at nakikipagkwentuhan sa mga barkada nila habang namumulutan ng ibang tao. These people are not happy people thats for sure."

"You are such an amazing actor. Your mastery of craft is what matters. Learn to ignore," puri naman ni Tim Yap.

Suporta naman ni Arci Munoz, "Yer perfect bro!! Fuck em!!"

Si Darla Sauler naman, "Ay basta labyu Alex. Kay Juliana lang ako galit. Bwahahahaha @chinitaprincess," na batay sa kanilang karakter sa number 1 series ngayon sa Prime Video na "Linlang."

Maging ang mga netizen ay suportado si JM.

"Para saamin you are the best idol period. Mahal kanamin lods iloveyou."

"WTF! IGNORE THEM! 😢..MAGALING KA NA AKTOR PERIOD! Kaya mong ibawas ang timbang pero talent like yours is rare! and most of all Mahal at tangap ka naminm focus on the people who loves you truly. Kebs sa bashers! 😍."

"close minded po yang mga taong yan kaya wag niyo nalang po pansinin di po sila worth it isipin, hehe you have done so much better po and you are the dabest person we know kaya we seen your character development,talents, and what you are capable of doing na lalong nagpatatag samin as a fan na patuloy ka isupport hehe 🫂."

"Love you idol andito lang kami para sayo.. Wag mo sila pansinin ma's marmi kaming nag mamahal sayo."