Nagbigay ng nakakaantig na mensahe si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards sa kaniyang Instagram account noong Martes, Oktubre 17, para sa leading lady niya sa “Five Break-Ups and A Romance” na si Julia Montes at sa direktor nitong si Direk Irene Villamor.

“Direk I, ang dami ko gustong sabihin pero kulang yung mga salita. Maraming salamat sa lahat ng natutunan ko sayo sa pelikula na ‘to, may it be work or personal. Hindi ko din akalain na lalalim yung relationship nating dalawa sa project na ‘to. Thank you for believing in me sa lahat ng aspeto. Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng mga pinagdaanan natin. I’m very grateful, Direk,” pahayag ni Alden sa caption ng kaniyang post.

Para naman kay Julia: “Jules, hahaha how do I even start to describe you, ngayon ko lang naramdaman ‘to sa isang katrabaho. First time meeting you was a breath of fresh air, ang gaan, ang sarap sa pakiramdam, pero higit sa lahat ang sarap sa puso. Thank you Jules… sa lahat lahat (alam mo na yun). You deserve everything that’s coming your way, dahil pinakita mo sa amin yung totoong ikaw at uulitin ko “WORTH IT” ka dahil mabuti kang tao.”

“Andito lang ako palagi (alam niyo yan) isang tawag or text lang ready ako palagi para sa inyo. Mahal ko kayo,” sabi pa niya.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Bukod pa sa dalawa, pinasalamatan din ni Alden ang GMA Pictures at Cornerstone Studios para sa pagbibigay umano ng pagkakataong makatrabaho ng kaniyang kompanyang Myriad Corporation ang mga ito.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, ipinapalabas na ang “Five Break-Ups and A Romance” sa 210 na sinehan sa Pilipinas.