Tila tuloy-tuloy ang pagdating ng blessings sa buhay ng singer, songwriter, at actor na si Juan Karlos Labajo matapos siyang imbitahin ni Danish singer-songwriter Lukas Graham nitong Martes, Oktubre 17.

Matatandaang kamakailan lang ay naitala ang kantang “Ere” ni JK bilang kauna-unahang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify.

Ngayon naman, sa ibinahaging screenshot ni JK sa kaniyang Facebook story, makikita na nagkomento siya sa isang TikTok video ni Lukas.

“Heard you’re coming here! Can’t wait to watch the show! @Lukas Graham,” saad ni JK.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Hey JK! Why not come and perform this song with me instead,” tugon naman ni Lukas na ikinawindang ni JK:

“OMG OMG NO WAAAAY 😭😭”

Photo courtesy: JK Labajo's FB

Nakatakdang ganapin ang nasabing concert ni Lukas sa New Frontier Theater sa Oktubre 22.

MAKI-BALITA: ‘Ere’ ni JK Labajo, unang OPM na nakapasok sa global chart ng Spotify