Ibinahagi ng nagpakilalang si "Abegail Rait," ang umano'y dating karelasyon ng pumanaw na master rapper na si Francis Magalona o "Francis M," ang pagdalaw nila sa puntod nito, kasama ang anak na si "Gaile Francesca."

Batay sa Facebook reels uploaded noong Oktubre 15, nagtungo ang dalawa sa memorial park kung saan nakalagay ang mga labi ng rapper. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang lumikha ng ingay ang "Pinoy Pawnstar" ng social media personality na si Boss Toyo nang magsadya si Abegail sa kaniyang shop upang ibenta ang jersey memorabilia ni Francis M, kasama na rin ng pagsisiwalat sa kanilang "untold story."

Kuwento niya, nagkaroon daw sila ng relasyon ni Francis M at nagbunga raw ito ng isang anak na babae. 

Pinangalanan daw ito ni Kiko na “Gaile Francesca.” 

Nakuha raw ng anak ang talento ni Francis M pagdating sa pagkanta, pag-rap, at pagsayaw. Sa loob daw ng 15 taon ay nanahimik si Abigail tungkol dito.

“What we had is real, me and my daughter exist. Mahal niya kami (Francis M) and that’s a fact,” aniya.

Nang tanungin kung paano sila nagkakilala, sinabi ni Abegail na naging studio audience siya sa "Eat Bulaga" noon sa GMA Network kung saan naging host dito ang rapper na ama nina Elmo, Saab, at Maxene. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamilya ni Francis M hinggil sa isyu, lalo na ang kaniyang biyudang si Pia Magalona. Bukas ang Balita sa kanilang panig.