Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II pagsasampa ng kaso laban sa isang pekeng enforcer ng ahensya na inireklamo dahil sa pangongotong umano sa mga motorista sa Cubao, Quezon City kamakailan.

Ang hakbang ni Mendoza ay kasunod na rin ng pagkakadakip ng Quezon City Police District (QCPD) kay Jurdinito Rid Macula na nagpakilalang nakatalaga sa LTO-National Capital Region (NCR).

Si Macula ay inaresto ng motorista na sinita nito sa Cubao matapos tumangging maglabas ng identification (ID) card at nabigo ring patunayan na naka-duty ito sa nasabing lugar.

Sinita ni Macula ang motorista dahil sa paggamit ng hindi otorisado na side mirror.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Tinangka umanong kotongan ni Macula ang motorista na naging dahilan upang hulihin ito.

Natuklasan ni LTO-NCR Director Roque Verzosa III, na hindi kasama sa listahan ng mga empleyado nhg ahensya si Macula.

“We do not tolerate any form of illegal activity. So I am urging all our motorists to immediately inform us about any illegal activity and I assure you of our immediate action,” sabi naman ni Mendoza.

Nasa kustodiya na ng QCPD Station 7 sa Cubao si Macula at nahaharap sa patung-patong na kaso.