Ipatutupad ang "no work, no pay" policy sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na suwelduhan ang mga magdu-duty na empleyado sa Lunes.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang hakbang ng DOLE ay alinsunod sa Proclamation No. 359 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagdedeklara sa Oktubre 30 bilang special non-working day upang mabigyan ng panahong makaboto ang publiko.

"If the employee does not work, the no work, no pay principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement granting payment on a special day,” anang DOLE.

Paliwanag ng DOLE, ang empleyado na papasok sa nasabing petsa ay dapat na bayaran ng dagdag na 30 porsyento ng kanyang basic pay para sa unang walong oras ng pagtatrabaho.

"An employee will receive an additional 50 percent of the basic wage on the first eight hours of work when the special holiday falls on the employee's rest day," ayon pa sa ahensya.

PNA