Kinapanayam ni broadcast-journalist Julius Babao ang dating child star na si John Wayne Sace sa kaniyang latest ">vlog noong Huwebes, Oktubre 12.

Matatandaang isa si John sa mga nakabilang sa dating teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos ang matagal na pamamahinga.

Ayon kay John, halos isang taon din ang itinagal niya sa nasabing teleserye.

“Bakit hindi na naulit; di na na-renew?” tanong ni Julius.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Wala naman kasi talaga akong kontrata doon. Wala akong kontrata doon. So, tinulungan lang ako ni Kuya [Coco]. E, patapos na rin pala ‘yung ‘Probinsya’ noon parang ako na lang yata ang hinihintay [...] So ‘yun, noong natapos gumawa siya ng ‘Batang Quiapo’. So, naisip namin na siyempre kakaumpisa pa lang, e…Sana maalala niya ulit,” tugon ni John.

Kaya naman, bukas umano si John kung sakali mang kontakin ulit siya ni Coco para gumanap sa “Batang Quiapo”. Dahil masaya naman daw ang experience niya sa nakaraang teleserye ni Coco bagama’t hindi talaga maiiwasang magkaroon ng pikunan.

“Pero kasama ‘yun, e. Hindi naman palaging masaya, e, di ba?” sabi pa niya.

MAKI-BALITA: John Wayne Sace, balik-showbiz matapos ang hiatus; kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano – Balita