Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang 11 pang natitirang pinaghihinalaang miyembro ng umano'y private armed group (PAG) sa Negros Oriental.

Sa isang forum, ipinaliwanag ni Negros Oriental Police Provincial Office-election monitoring acting center chief, Capt. Antonio de Leon, nalansag na nila ang 18 sa 29 na pinaghihinalaang PAG sa lalawigan.

"We are continuing our monitoring and manhunt for the 11 remaining alleged members,” anang opisyal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, sinabi naman ni Brig. Gen. Joey Escanillas, commander ng 302nd Brigade ng Philippine Army na naka-base sa Tanjay City, Negros Oriental, sa nasabi ring talakayan na pinaigting na nila ang pagbabantay sa mga checkpoint at border control dahil na rin sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Binanggit ni Escanillas ang pagbabantay nila sa border ng Basay sa Negros Oriental at Hinobaan, Negros Occidental, Mabinay sa Negros Oriental at Kabankalan sa Negros Occidental.

Tiniyak din ni Escanillas na walang makalulusot na illegal na baril at mga kahina-hinalang personalidad sa mga nasabing lugar.