May 14, 2026

Home BALITA

Tropical Storm 'Hagupit,' papasok sa bansa; papangalanang 'Caloy'

Tropical Storm 'Hagupit,' papasok sa bansa; papangalanang 'Caloy'
PAGASA

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang tropical storm na may international name na "Hagupit" ngayong weekend ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Mayo 7.

Sa huling ulat ng PAGASA, as of 4:00 PM, huling namataan ang tropical storm sa layong 1,840 kilometers East of Northeastern Mindanao sa labas ng PAR. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 80 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-West Northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour. 

Inaasahang papasok sa loob ng PAR si "Hagupit," sa Sabado ng gabi o Linggo ng madaling araw at papangalanan itong "Caloy," ang ikatlong bagyo ngayong 2026. 

Misis ng nahuling NBI volunteer, nanindigang walang kasalanan ang asawa

Samantala, isa namang low pressure area ang kasalukuyang nasa coastal waters ng Picong, Lanao del Sur. Ayon sa PAGASA, may posibilidad itong malusaw habang tinatahakan ang kalupaan ng Mindanao.