May 22, 2026

Home BALITA National

'Sa kabila ng politikal na ingay:' Trillanes, bumalik sa pagtuturo!

'Sa kabila ng politikal na ingay:' Trillanes, bumalik sa pagtuturo!
Photo courtesy: File Photo, Antonio Trillanes IV (FB)

Balik-eskwela para magturo si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos niyang dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice para sa deliberasyon ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte at humarap sa mga politikal na usaping may kaugnayan sa pagtugis sa korapsyon sa Pilipinas. 

Matatandaang isiniwalat ni Trillanes sa naging pagdalo niya sa pagdinig ng House Committee on Justice noong Abril 22, 2026 na nakatanggap daw ng aabot sa daan-daang milyong piso noon ang Bise Presidente, kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at iba pang miyembro ng pamilya nito mula sa isang drug lord.

KAUGNAY NA BALITA: Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes

Bukod pa rito, inilahad din niya sa naturang pagdinig ng Kamara ang lihim na joint bank accounts nina FPRRD at VP Sara na umano’y naglalaman ng bilyong piso. 

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱2B, laman ng sikretong joint bank accounts ng mag-amang FPRRD, VP Sara—Trillanes

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Idagdag pa ang naging pagsasampa ni Trillanes ng mga kasong perjury at cyberlibel laban sa 18 na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine, kina Atty. Levito “Levi” Baligod, dating mambabatas na si Mike Defensor, dating broadcaster na si Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, at vlogger na si Cathy Binag.

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

Matapos ng mga kaganapang ito, ibinahagi ni Trillanes ang isang larawan sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 7, 2026, kung saan makikitang nagtuturo siya sa loob ng isang silid-aralan. 

Aniya, nagbabalik daw siya sa pagtuturo dahil ito raw ang nagpapanatili sa kaniya sa baba o nakatapak sa lupa sa kabila ng mga ingay sa politika. 

“Back to teaching- the thing that keeps me grounded amid all the political noise,” ‘ika niya sa caption ng kaniyang post. 

Photo courtesy: Antonio Trillanes IV (FB)

Ayon sa mga tala, nagsimulang magturo si Trillanes nang matapos ang kaniyang ikalawang termino sa Senado noong 2019. 

Nagtuturo umano siya ng public policy, bureaucracy, at public governance sa National College of Public Administration and Governance (NCPAG) ng University of the Philippines Diliman at sa Ateneo de Manila University. 

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes kay Pulong: 'Di mo kaya ipaglaban kapatid mo!’