VICTORIA. Laguna- Isang kandidato sa pagka-konsehal sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 ang napatay sa saksak sa Barangay San Felix nitong Sabado ng madaling araw, Oktubre 7.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Marvin Laluz, 29, dating barangay kagawad noong 2013-2018 at kakandidato muling mahalal sa parehong posisyon sa Oktubre 30, 2023.

Lasing ang biktima at huling nakitang kasama ng hindi pa nakikilalang suspek dakong 12:01 ng madaling araw sa Purok 1, sa nasabing barangay.

Gayunman, matapos ang ilang minuto, natagpuang humihingi ng tulong ang biktima dahil sa mga saksak nito sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod pa sa ospital ang biktima kung saan ito binawian ng buhay.

Under investigation pa ng pulisya ang insidente.