BINMALEY, Pangasinan — Nalunod ang dalawang menor de edad habang naliligo sa Binmaley Beach, Brgy. Baybay Lopez, nitong Linggo.

Kinilala ang mga batang nalunod na sina Charisse Pensona Marcillos, 13, at Gladys Abegail Sarol Ballesteron, 16, parehong residente ng Brgy. Patayac,  Sta. Barbara.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa witness na si Fe Almario Ballesteros, 71, nakita niyang lumalangoy ang kaniyang mga apo nang madala ng malakas na alon ang mga ito.

Sinubukang iligtas ng kasama nila ang mga bata ngunit nabigo ito dahil sa lakas ng alon.

Agad ding isinugod ang mga biktima sa Lingayen District Hospital. Gayunpaman, idineklara na umano itong patay ayon sa follow-up investigation.