Marami ang nagsasabing "Queen na Queen" talaga si "It's Showtime" host at Unkabogable Star Vice Ganda dahil tila nasa kaniya na raw ang lahat: bonggang career, kasikatan, mga parangal, kayamanan, at lalo na ang pagkakaroon daw ng yummy, supportive, at loving husband na si Ion Perez.

Pinagpipiyestahan kasi ng mga netizen lalo na ng mga bekz ang mga litrato ni Ion kapag nakasakay siya sa kaniyang bisikleta, with matching complete attire pa dahil kitang-kita ang mga "maipagmamalaki" raw nito sa katawan.

Bukod sa pa-abs ay talagang winner na winner daw si Meme Vice sa "kadakilaan" ng puso ni Ion, lalo na sa pagmamahal nito sa kaniya, sa kabila ng mga unos na pinagdaraanan nila ngayon kaugnay ng suspensyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa Showtime.

"our smile happiness and joy NO one can destroy! TAKAYO!!," mababasa sa Instagram post ni Ion kalakip ang mga litrato nila ng asawa nang dumalo sila sa naganap na "ABS-CBN Ball 2023" kung saan silang dalawa ang isa sa mga inaabangang Kapamilya stars.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Natakam" naman ang mga netizen sa latest photo ni Ion kasama ang kaniyang bisikleta, habang topless siya at kitang-kita ang nagngangalit niyang abs.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Panalo talaga si Meme!"

"Yummerz haha."

"Nag-zoom na ba ang lahat?"

"Maligayang-maligaya si Vice ahahaha."

"Kape na lang kulang sa pandesal na full pack... charowt lang bhe.. ride safe lagi."

"Nakatabingi yata yung bike hahaha."