Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Food Stamp Program ng gobyerno sa Siargao Island, Surigao del Norte nitong Setyembre 29.

Ang programa ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang makamit ang "zero hunger" sa bansa.

Nasa 50 benepisyaryo ng programa sa naturang lugar ang binigyan ng Electronic Benefit Transfer cards na may food credits na ₱3,000 kada buwan upang makabili ng masustansyang pagkain.

Nitong Hulyo 18, pinangunahan ng Pangulo ang paglulunsad ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa Tondo, Maynila sa layuning mabawasan ang gutom at kahirapan sa bansa.
National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon