Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato
Nakapagtala pa ng 68 rockfall events ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.
Ayon sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang beses lamang na yumanig ang bulkan sa nakaraang pagbabantay sa pag-aalburoto nito.
Paliwanag ng ahensya, naitala pa rin ang tatlong pyroclastic density current (PDC) events ng bulkan.
Nagbuga pa rin ito ng 923 tonelada ng sulfur dioxide nitong Setyembre 26.
Nagkaroon din ito ng lava flow na umabot ng 3.4 kilometro sa Bonga Gully, 2.8 kilometro naman ang naapektuhan nito sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro naman sa Basud Gully.
Nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan na nangangahulugang posible pa rin itong magkaroon ng pagsabog anumang oras.