Nagbigay ng sagot ang misis ni Senador Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla sa usap-usapan ng mga netizen na umano'y nag-hello ang private part nito sa isinagawang live selling ng huli kamakailan.

Sa live selling ni Mariel noong Setyembre 23, kasama niya ang mister sa pag-endorso ng isang food supplement.

Nagtimpla si Robin ng nabanggit na food supplement at inalog-alog ang likido habang nasa loob ng water container. Biglang yumuko ang aktor-politiko at nahagip ng mga mata ng netizens na tila wala raw siyang briefs, habang suot ang isang roba.

Hindi sinasadyang nakita ang kanyang private part.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-viral agad sa social media ang video clip na ito.

Napag-usapan pa nga ito nina Ogie Diaz at co-hosts na sina Mama Loi at Ate Mrena sa kanilang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update."

Ispluk pa ni Ogie, hindi raw totoo ang mga tsikang "juts" o maliit ang alaga ni Binoe, dahil marami umano ang magpapatunay na hindi.

Samantala, sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nahingi nila ang sagot ni Mariel tungkol dito sa pamamagitan daw ng text message.

Hindi na raw nagbigay ng kahit na anong paliwanag pa ang misis ng senador dahil hindi naman daw big deal ito.

"I find na hindi naman kailangan pag-usapan. So, hindi na kailangan mag-comment pa," ipinadalang mensahe raw ni Mariel.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Robin tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’